ESTEFAN's POV
MULA pa kaninang umaga ay hindi na maganda ang kutob ko. Hindi ko alam kung bakit. Nang tumawag ako kina mama ang sabi naman nila ay maayos naman daw sila. Ang pamilya ko ang kaagad kong tinawagan para kumustahin na rin. Nagi-guilty ako dahil hindi na kasi gaano kami nakakapag-usap lalo na tinatapos ko pa ang pagpa-finalize sa presentation ko sa architecture presentation namin kung tawagin nga namin at isabay pa ang pagtatrabaho ko sa coffee shop.
Alam kong hindi biro ang kurso ko kaya nagsisikap akong matapos lalo na isang taon na lang at maaari na akong kumuha ng lisensya sa pagiging isang arkitekto. Samantalang kami ni Elizabeth ay katulad pa rin ng dati, naghihintay sa matamis nyang 'oo'. Hindi naman ako nagmamadali dahil alam ko ang prayoridad ng isa't-isa. Speaking kay mahal, katatapos ko lang s'yang dalhan ng isang pampalakas ng loob na mensahe dahil ngayong araw ng defense nila.
"Patapos ka na ba?" tanong ni Luis kay Marco.
Nasa canteen kami ngayon at kumakain ng lunch at ang iba naming kaklase ay kanya-kanyang tinatapos ang kani-kanilang designs at iyon rin ang tinutukoy ni Luis kay Marco.
"Syempre patapos na rin. Kaunti na lang naman. Kayo ba?" si Marco na ngumunguya ng pork chop na ulam.
"Tapos na," sabay na sabi namin ni Luis.
Nagkatinginan kami at nag-apir.
"Talaga nga naman⎯ sana lahat tapos na," natatawang sabi ni Marco.
Napailing na lang kami ni Luis.
"Kani-kaninang umaga ko lang naman natapos ang akin. Itong si Luis ang unang nakatapos," sambit ko.
Pumasok pa ako sa Coffee shop bago ko tuluyang natapos ang design ko kaya nahahati ang oras ko sa pagtatrabaho at sa pag-aaral pero ayos lang naman dahil natapos ko pa rin kahit wala pa sa binigay na deadline.
"Talaga nga naman, nagpa-practice ng maging ganap na arkitekto, ha!"
***
NASA kalagitnaan ako ng klase nang biglang nag-ring ang cell phone ko at ang tumatawag ay si Emerald. Ang kaba na nararamdaman ko kanina ay agad na umahon. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko kapag tumatawag sila. Siguro ay nadala lamang dahil sa pagtataka. Alam nilang may klase ako ngayong oras na ito at hindi naman sila tatawag kung hindi emergency. Agad akong nag-excuse sa prof at sa klase.
"Eme⎯" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay abot-langit na ang kaba ko nang naririnig ang paghahagulhol ni Emerald sa kabilang linya.
"K-kuya... si P-papa," nauutal na sabi ng kapatid ko at iyon pa lamang ang tanging sinabi niya pero ramdam kong hindi na hindi na maganda ang sasa⎯ "S-si P-papa, patay na."
Hindi ako makapagsalita sa narinig kong masamang balita ng kapatid ko. Naninikip ang dibdib ko sa sakit at pighati. Pakiramdam ko matutumba ako at mawawalan ng balanse. Nanginginig ang tuhod at naghihina ang buo kong kalamnan.
P-paano? P-papa, b-bakit?
Hindi ko maintindihan. Gulong-gulo ako, sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko namalayang napahagulhol ako sa iyak at napaluhod kipkip pa rin ang aking cellphone sa aking tenga. Magkasabay kaming umiyak ng kapatid ko. Sobrang sakit. Pakiramdam ko nawalan ng saysay ang lahat. Nanghihina at nawawalan ng kulay ang paligid para sa akin. Wala na akong pakialam sa mga taong nakatingin at nagtatakang tinitingnan ako. Basta ang alam ko lang ang pakiramdam kong nasasaktan.
BINABASA MO ANG
The Passion of Love
Teen Fiction"I hate regrets, Elizabeth. And I'm willing to take the risk. Dahil hangga't kasama kita, hanggang sa nakakasama pa kita, ayoko ng matapos pa." Dahil sa sunod-sunod na pagtanggap ng 'failures' sa buhay, napaghinaan ng loob si Elizabeth na ipagpatulo...