Hindi ito tipikal na kuwentong may masayang pagtatapos. Isa itong kuwento ng "matamis" na trahedya. Karamihan sa atin farsighted, nakikita lamang ang mga bagay na malapit kapag inilayo na ito sa atin. Ang pinakainiibig ni Fernan ay si Cynthia--na kung tawagin niya ay Cita dahil nagkakilala sila noong hindi pa siya matatas magsalita)--ngunit si Lia ang pinili niya dahil sa pagkasilaw sa karangyaan. Nakakatawa na nakapanlulumong isipin na nagsikap si Fernan para sa hinaharap nila ni Cynthia (dahil kapwa sila lumaki sa iskwater) ngunit sa paglaon ay salapi na ang iniibig niya. Maitatama pa kaya niya ang mga maling desisyon? May puwang pa ba para sa isang pagkakataon? May magagawa ka pa ba kung naubos na ang mga tsansa? (Bukod sa kuwento nina Fernan ay Cynthia ay tampok din ang kuwento ng buhay at pag-ibig ng mga kababata nila. Sapagkat oo, isa rin paraiso - may buhay at may eksistensya ng pag-ibig -ang masikip at mabahong lugar na kinalakihan nila.) --- Ang nobelang ito ay nailathala sa pahayagang Balita mula Disyembre 2013 hanggang Pebrero 2014. Ang pagkopya ng anumang bahagi ng nobelang ito nang walang credit sa manunulat ay labag sa batas. --- Cover's photo is from Pixabay, a site for royalty-free pictures, but I love it so much-'cause I see Cynthia's pain in the eyes of this woman-kaya isi-share ko username niya which is Karen_Nadine. :)