"How can you love when all you know is hate?" Simple lang ang pangarap ni Czarina Quezon dati noong high school-ang maging isang mabuting asawa at ina sa kanyang magiging pamilya. Hindi niya kasi naranasan ang magkaroon ng tumatayong ina dahil simula nang mamatay ang tunay niyang ina ay muling nag-asawa ang ama niya. Ngunit ang simpleng pangarap ay nawala nang buhusan siya ni Meriam Caresosa ng acido sa mukha nang dahil sa selos. Totoong may paghanga na siya noon pa kay Gavin Rain Mendez pero wala siyang balak na pumagitna sa relasyon ng mga ito. Umalis siya patungong Canada upang magpagaling at maging matagumpay dahil sa muling pagbabalik niya sa Pilipinas, gagawin na niya ang paghihiganti sa mga ito. Magpapanggap siyang may amnesia para maisagawa ang plano. Pero may isang taong pilit na nagpapaalala sa nalimutan na niyang pangarap-iyon ay si Gavin. Hiwalay na rin ito kay Meriam at sa kanya na nakatuon ang pansin nito. Tatanggapin ba niya si Gavin at tuparin ang pangarap niya noong high school o itutuloy niya ang planong pagsira sa buhay ng mga ito? Date started: March 12, 2020 Date finished: April 10, 2020 Disclaimer: This story is unedited. Kung may makita kayong mistakes, please do point them out and kindly call my attention. Thank you! Sana magustuhan ninyo.
28 parts