Bago pa man silang mag-umpisang mag-aral, hindi mo na mapapaghiwalay sina Sofia at Merry. Palagi silang nasa piling ng isa't isa sa bawat mahahalagang hakbang ng kanilang buhay. For better or for worse, nangako silang hindi sila aalis sa tabi ng isa't isa. Hanggang isang araw, natanggap ni Sofia ang kanyang letter of acceptance sa Stanford. For the first time in their lives, mapapalayo sila sa isa't isa. Masaya si Merry para sa pinakamatalik nyang kaibigan at kinakapatid, pero hindi nya mapigilang matakot. Ano kaya ang mangyayari sa pagkakaibigan nilang dalawa?.