The Last Sunset

53 19 25
                                    

A/N: [The Ayu is in]

Hi guuuys, so imbes na asikasuhin ko ang susunod na kabanata ng story ko, ginawa ko ang oneshot na 'to hehehe

Inspired 'to sa song na narinig ko, ang title ah Last Sunset by Jhameel.

Enjoy reading~~

Edited by JinnIvangeline1219 thanks gorl ♡

[The Ayu is Out]

Masaya talaga ako para sa kanya.

Yan ang nasa isip ni Merry habang inoobserbahan nya si Sofia na naglalaro sa dalampasigan.

Pero natatakot ako dahil mapapalayo siya sa akin.

Si Merry at si Sofia ay magkaibigan na bago pa man sila makapasok sa eskwelahan. Magkatapat ang mga bahay nila noong bagong lipat ang pamilya ni Merry sa subdivision. Unang nakita ni Merry si Sofia na nakadungaw mula sa kanyang tahanan, sabik na sabik na makilala ang bagong lipat na pamilya pero nahihiyang lumapit. Hinayaan ng mga magulang ni Merry na siya ay makipaglaro sa batang Sofia habang nag-aayos sila ng mga gamit.

Madaling nagkasundo ang mga bata dahil madami silang pagkakatulad sa mga hilig nil; pareho silang mahilig sa manika, parehong mahilig sa pusa, pareho ang kanilang paboritong cartoon at marami pang ibang pagkakapareho. Simula noong araw na iyon, halos hindi mo na mapaghiwalay ang dalawang bata.

Palagi silang nasa piling ng isa't isa. Nandun si Sofia noong nadapa si Merry na dahilan ng pagkabungal nya, nandun rin si Merry noong namatay ang alagang pusa ni Sofia at walang tigil na umiiyak kahit na pinapatahan nya ito. Maski kapag pinapagalitan ang isa sa kanila ng kanyang magulang, siguradong nasa tabi nya ang kaibigan na hinahawakan ang kanyang kamay bilang paraan ng pagsabi, "Andito ako."

Noong sila ay nag-aral, mula elementarya hanggang hayskul, palagi silang magkaklase. Sinubukan silang paghiwalayin ng mga guro nila, pero kahit na anong seating arrangement ang gawin nila, gumagawa at gumagawa ng paraan ang isa sa magkaibigan ng paraan para magkatabi sila. Sa bandang huli, hinayaan na lang nila na magsama ang matalik na magkaibigan, tutal hindi naman sila nanggugulo o maingay pag magkatabi sila.

Kahit ang mga kaklase nila, napagkamalan silang kambal dahil hindi mawalay-walay ang isa sa piling ng isa.

Nangako nga sila na for better or for worse, hindi nila iiwanan ang isa't isa at palagi silang magsusuportahan.

Tinupad nila ang pangako nila. Noong first time manalo ni Sofia sa contest sa labas ng kanilang paaralan, si Merry ang may pinakamalakas na sigaw sa kanilang lahat. Noong unang makaranas si Merry ng heartbreak dahil niloko siya ng kasintahan nya, si Sofia ang unang yumakap sa kanya nung nagbreakdown siya. Noong muntik ng ma-expel si Sofia dahil napagbintangan siya sa kasalanang hindi naman nya ginawa, dugo't pawis na pinagtanggol ni Merry ang bestfriend nya. At noong nakapasa si Merry sa in-applyang full scholarship, talon nang talon si Sofia sa tuwa na akala mo siya ang nakatanggap ng scholarship.

Sa madaling salita, mahal na mahal nila ang isa't isa na para na silang magkapatid. Malaki ang tiwala nila sa isa't isa at kampante silang walang makakapaghiwalay sa kanila.

Hanggang makatanggap si Sofia ng acceptance letter mula sa Stanford. Nascout siya dahil sa kanyang talinong ipinakita sa nasalihan nyang international art contest. In-offeran siya ng full scholarship at free housing with monthly living allowance sa Amerika, basta panatilihin nyang mataas ang mga marka nya.

Totoong masaya si Merry para kay Sofia, pero sa likod ng saya na 'yon ay takot. Takot dahil for the first time, sa tagal ng pagsasama nila, mahihiwalay sila sa isa't isa. At hindi lang basta mahihiwalay, magkakaroon ng napakalawak na distansya sa pagitan nila. Literal na paghihiwalayin sila ng buong karagatan ng Pasipiko.

The Last SunsetWhere stories live. Discover now