Hindi madaling maging isang kahig, isang tuka para sa isang prinsesang katulad ni Phoebe Mijares. Siya lang naman ang nag-iisang anak nina Mr Pablo Mijares at Juliet Mijares na parehong namatay sa isang car accident. Ang lahat ng mana at ari-arian na ipinangalan sa kanya ng mga yumaong magulang, ay tila isang bula na biglang naglaho, hindi niya alam na ibinulsa na pala ito ng isa sa mga katiwala ng kanyang yumaong ama. Ang dalagang nasanay sa karangyaan sa buhay at biglang inalisan ng lahat ng meron siya. Mula sa bahay, lupa, mga kagamitan, pera, mga alahas, magulang at mga kaibigan. Lahat ng 'yon ay naglaho sa kanya ng di niya namamalayan Pati ang lalaki na matagal niyang ninais at minahal, at mapupunta lang sa kaibigan niya na matagal niyang pinagkatiwalaan sa lahat ng bagay. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni Phoebe Mijares? Mahahanap niya rin kaya ang taong muling kukumpleto sa kanya? Ang taong mamahalin siya, kahit wala na sa kanya ang lahat. ©themidnightsleeper (JustineArciaga)
4 parts