Prologue

14 0 0
                                    

Nakangiti akong naka-titig sa makinis niyang mukha, habang siya ay walang kamalay-malay na pinagnanasahan ko na siya-este pinagpapantasyahan pala! Hinaplos ko ito ng may buong pag-iingat.

Ano kayang skincare products ng isang 'to? Bakit sobrang kinis niya? nahiya ang mga pimples at black heads na tumubo sa mukha niya.

Wala rin siyang white heads at Open pores. Nakaka-inggit para sa akin na babaeng tubuin ng tigyawat sa mukha.

Hindi nga ata natatapos ang isang linggo na hindi ako tinutubuan ng tatlo o higit pang tigyawat sa mukha dahil sa mga ginagamit kong skin care products na hindi naman ako hiyang talaga.

Mga produktong nabili ko lang sa murang halaga sa may palengke. Di ko na kasi afford na bumili pa ng dati kong pang-skin care ma belo at St. Ives, wala nang pera ang lola mo

"Hindi kapa ba nagsasawa sa pagmumukha niyan bes? Halos araw-araw ka nalang nakatulala sa kanya, magtitinda kapa sa palengke bes, baka mapabayaan mo ang pwesto mo 'don!" sabi ni Chichai habang naglalagay ng cutics sa kuko niya

"Kasi naman bes ang gwapo-gwapo niya. Ikaw ba hindi naga-gwapuhan sa kanya?" Sabi ko at napatingin sa kanya with matching taas kilay pa

"Nako bes, kahit ga'no pa 'yan kagwapo, alam mo naman kung para kanino na ang puso ko diba?" sabi niya pa habang kinikilig. Magulo sana ang cutics niya! :'>

"Basta pag 'to nagising na. Sakin na 'to" sabi ko habang nakangiti at tumitig ulit sa gwapo niyang mukha.

Nako! Kay sarap niyang halikan, kung di lang talaga ako dalagang pilipina, baka di lang halik ang ibigay ko sa kanya

"Ikaw bahala, loka-loka ka talaga. Basta pag jinombag ka niyan pagdilat niya, tatakbo ako. Tatawag narin ako ng ambulansya para sayo" sabi niya pa habang natatawa at tinapos na ang paglalagay ng cutics sa kuko niya

"Gaga! siguradong hindi naman niya magagawa 'yon sakin no! Sa ganda kong 'to?" Sabi ko pa at hinawi ang buhok na napunta sa bibig ko

"Na'ko tara na ghorl! Magtitinda kapa ng gulay at isda sa palengke, mag-goodbye kana dyan sa lalaki mo" sabi niya pa sakin at umirap.

Pabiro ko naman siyang tinulak at sinenyasan na mauna na saking lumabas ng bahay. Magpa-paalam lang ako saglit sa baby ko hihi! :'>

"Ba-bye muna baby ha? Babalik din ako mamaya, liliguan kita ulit.. at pupulbusan" sabi ko habang kinikilig at hinalikan siya sa pisngi ng may pang-gigigil.

Grabe ang bango bango niya, nag-amoy baby siya lalo dahil sa sabon at shampoo ng baby na ginamit ko sa kanya

Palabas na sana ko ng pinto ng may boses akong marinig

"Sino ka?"

Dahan-dahan akong tumingin sa likuran ko. Kumapit ako ng mahigpit sa dala kong slingbag tsaka hinarap ang lalaking nakatayo na malapit sakin.

Patay! Gising na siya!

_________

Don't forget to vote, comment and follow me!

©themidnightsleeper (JustineArciaga)

Marriage LiecenseWhere stories live. Discover now