Simple lamang ang kagustohan ni Drew sa buhay. Ang makapagtapos siya ng pag-aaral at maging isang nurse upang maiparanas niya sa kaniyang mga magulang ang karangyaan sa buhay. Sa ika-huling taon niya sa kolehiyo, siya ay lumipat sa lungsod para sa kaniyang on the job training. Mahirap para sa kaniya iyon ngunit kinailangan niyang kayanin sapagkat para sa ikabubuti rin lang nila iyon. Tahimik, masaya at simple ang pamumuhay niya. Hindi siya kailanman nagkaroon ng nobyo at walang balak magkaroon hangga't hindi pa siya nagkakaroon ng trahabo. Hindi rin siya masyado sumasama sa kaniyang barkada, kontento na siya sa mga ate niya na kasama niya sa bagong tirahan niya. Ibang-iba ang pananaw niya sa buhay kung ikokompara sa mga kabataan na ka-edad niya. Ngunit ang nasabing pananaw niya ay unti-unting nagbago nang dumating ang isang binatang nagngangalang Jack Romero sa kaniyang buhay. Ang inaakala niya ay ito na ang makakasama niya sa pagtanda ngunit ito rin pala ang mananakit sa kaniya, salungat sa kaniyang tungkulin na magprotekta ng mga mamamayan bilang isang pulis. Makakayanan niya kayang gamotin ang sarili mula sa pighati na idinulot ng binata sa kaniya?