Sa ating nararanasan ngayon, marahil ang iba sa atin ay hindi makalabas ng bahay dahil sa pag-iingat sa ating kalusugan lalo na ang mga kabataan at matatanda. Ngunit hindi lamang tayo nakakulong sa ating tahanan. Bagamat, tayo din ay nakakulong sa isang madilim na pamamalakad. Dapat tayong gumawa ng paraan upang makatakas sa kulungan ng kahirapan upang ating matamasa ang kalayaan. Ngunit para sa iyo, ano ang tunay na kalayaan?