Sa ating paglalakbay,
tayo'y bigyan ng gabay
Tulad ng ibon sa himpapawid,
Sana tayo'y makalayo malayang magkakapatidSa araw-araw tayo'y maghanda,
At ang bawat dinaraana'y bigyan ng tanda
Nawa'y ating alisin sa puso ang agam-agam,
Upang maalis ang bigat ng ating pakiramdamTulad ng ibon sa himpapawid,
Sana ang puso'y malaya rin
Anumang balakid ay di alintana,
Sapagkat ang nais ay maging malayaOh Pilipinas aking ina at mahal,
Kami'y nasasabik na ang kalayaan sayo'y dumatal
Sapagkat handa namin itaya aming buhay at dangal,
Kahit pa kami'y lapastanganin at ihulog sa kanalOh Diyos Ama kami'y iyong tulungan, kami'y ilayo mo sa kamatayan
Sana'y kami'y tulad ng ibong malaya,
Masayang nakakapaglakbay at masaya
![](https://img.wattpad.com/cover/232767575-288-k505060.jpg)
YOU ARE READING
Ibong Malaya
PoetrySa ating nararanasan ngayon, marahil ang iba sa atin ay hindi makalabas ng bahay dahil sa pag-iingat sa ating kalusugan lalo na ang mga kabataan at matatanda. Ngunit hindi lamang tayo nakakulong sa ating tahanan. Bagamat, tayo din ay nakakulong sa i...