Sobra ang pagkagusto ni Alexa kay Vincent kaya noong nanligaw ang binata sa kanya ay hindi na niya pinatagal pa. Siya na ata ang pinakamasaya at swerteng babae dahil ginusto din siya pabalik ng lalaking gusto niya ngunit nang dahil sa pagmamahal niya ng sobra sa binata ay nabulag na siya, nabulag siya sa katotohanang hindi pala siya gusto nito, na ginagamit lang siya nito. Mukhang pinaglalaruan ata sila ng tadhana, mukhang nagkamali si kupido sa pagpana ng mga puso. Saan dadalhin si Alexa at ang puso nito?