Kabanata 4

11 6 0
                                    

"Hmm, ma-nong sa may a-ano p-po... sa tapat po nang ***** Mall p-po"


Bumaba na ako at nagbayad, nakakahiya kay manong, nakita pa niya akong umiiyak. Nagdiretso ako sa may Cr buti nalang at walang tao. Tinignan ko ung sarili ko sa salamin, namumugtong mata. Paano ko ito itatago?


Naghilamos ako para kahit papaano maging maayos ang pagmumukha ko, ayaw ko naman na maglalakad-lakad ako eh halatang kagagaling ko sa iyak.


Ayan kasi! Iiyak-iyak! Sa masakit eh. Crying does not mean you are weak, it is the only way to atleast lessen the pain you are feeling. Lol.


Noong medyo kontento na ako, lumabas na rin ako. Maswerte ako at walang nagbalak pumasok sa may CR at kung mayroon man baka mabulyawan ko lang pero syempre joke lang,


Naglakad-lakad lang ako at parang mali ata ako nang choice na pinuntahan, maraming couples ang nagkalat, hello! Lunes palang ngayon hah. Buti nalang at nakapagdala ako nang extra T-shirt ko dahil naka-Gala Uniform pa naman kami.


Lakad... Lakad... Lakad... Lakad.... Lakad.... Kain dito.... Kain doon...Lakad... Lakad... Lakad... Pasok sa Arcade.... Laro dito... Laro Doon... Lakad..Lakad... Lakad.. Lakad...Kain.. Kain... Kain... Lakad... Lakad...


Umupo mo na ako sa isang food stall nang napagod na ako kakalakad, I look on my wrist watch and it's already quarter to 2:00 pm.


"Hindi ko namalayan ang oras hah, halos magtatatlong oras na ako dito sa mall. Ganito pala pag nasaktan? Hmm,"


Ramdam ko na yung pagod pero ayoko pa munang umuwi. Panigurado makikita ko lang siyaa, iiyak na naman ako ulit. Oh ayan nagbabadya na yung luha kaya tumingala ako para mapigilan


"Ano ba naman yan? Mga traydor kayo" sabi ko sa mga luha ko habang pinapaypayan ang sarilii

"Tama na, hindi ba kayo napapagod? Kasi ako pagod na eh, please cooperate naman oh" para na siguro akong baliw dito, nagsasalita mag-isa habang lumuha at minsan tumatawa.

"Hayyy, Alexa! Kaya mo yan! Si Vincent lang yun, marami pa dyan! Wag ka nang magpakatanga sa kanya, " bulong ko sa sarili ko para kumalma at para matigil na ang mga traydor kong Luha.

"Kaya ko ito! Malakas kaya ako! AJA!"Kaya ayun tumayo na ako at naglakad lakad na, naisipan kong manuod nang sine, yung lovestory ang pinili ko, feel ko eh. Pero sobrang sisi ko dahil umiyak lang ako, may part kasi doon na relate ako kaya ang result mukha na akong sabog paglabas. Bwisit!


Umalis narin ako sa ***** Mall. Humanap nang ibang mapagtatambayan.


"Sorry Lianne, nag-aalala ka na ba? Gusto ko lang muna mapag-isa. Kailangan kong mag-isip nang maayos. Maiintindihan mo naman siguro ako after" nakayukong sabi ko habang naglalakad at lintek naiiyak na naman po ako!


Alas sais na pero nasa may plaza pa ako, ayokong pumunta sa park lalo lang ako maiiyak at malulungkot. Kaya noong nakita ko ang saktong lugar para sa nararamdaman ko ngayon ay agad akong pumasok, Bahala na!


"Goodevening ma'am" bati nang guard sa akin a

"Shit, ganito pala dito? Iba parin talaga pagpumunta ka na sa mismong lugar kaysa sa nakikita mo lang sa TV at base sa nababasa mo sa libro" bulong ko

Blinded by LoveWhere stories live. Discover now