"Gusto kita...kuya Ron!" 'Yan ang mga katagang nagpagimbal sa makulay na buhay ni Ae Ron Park. Sa loob ng apat na taong pananatili sa paaralang ito ay hindi na rin kasi lingid sa kaalaman ng mga estudyante ang kanyang pagkatao. Na mas trip niya ang mga kauri kaysa panaguri. Pero kahit ganoon ay marami parin ang nagkakagusto sa kanyang babae dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Oo nga't marami-rami na ring mga babae ang nagtatapat sa kanya hinggil sa nararamdaman nila para sa kanya pero... ngayon lang yata siya naapektohan ng sobra at hindi niya matukoy kung sa anong dahilan. Hindi nga ba o sadyang hindi niya lang matanggap na sa isang First Year Collage niya lang naibigay ang pakaiingat-ingatan niyang First Kiss.