[COMPLETED] Hindi agad nakukuha ni Sebastian ang mga gusto niya sa buhay ng hindi ito pinaghihirapan. Laki siya sa isang squatters area at may kaya lamang sa buhay. Pagkatapos nito sa kolehiyo at makapasa sa Civil Service Exam ay nakakuha siya ng magandang trabaho bilang isang Support Specialist sa BIR tuwing umaga at ang kanilang pangarap ng kaniyang mga kaibigan na makadevelop ng sarili nilang laro ang inaatupag niya tuwing gabi. Bilang pangako sa kaniyang magulang ay nag-iipon siya ng malaking halaga upang maipaayos ang kanilang munting tahanan na kaniya ring inaasam. Habang naghihintay sa kaniyang katrabaho sa isang fountain ledge ay may isang magandang dalaga na bumihag agad sa kaniyang puso't paningin. Paano kaya niya mapapasagot ang dalaga kung wala pa siyang kayang patunayan sa lahat? Lalo na't ang kaakibat ng pagmamahal sa dalaga ay kailangan lumalangoy rin siya sa dagat ng kayamanan. Mananaig pa rin ba ang puso sa isang taong mayroong pitakang butas? Story Started: October 24, 2020 Story Ended: December 27, 2020