Please read first Alter World Series 1: The Magical World. Ang sabi ng karamihan, ang section na tinatawag na 'Zulix' ay ang pinakakulelat na section na makikita sa Frikswelp University. Ngunit linggid sa kaalaman ng mga taong nagsabi niyon, sa ilalaim ng classroom Zulix, may sikretong tanging mga tinatawag lamang na mga mahihina ang may kakayahang makatuklas. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Redmon, Pyrena, at Bernus, ang inaakala nilang magiging isang ordinaryong araw lamang sa pag-aaral ng mahika ay ihahatid pala sila nito sa pinakamisteryusong lokasyon na kanilang makikita. Sa lugar na ito ay may matutuklasan sila. Maraming bagay na ikakamangha nilang lubasan. Tatlong bilog kapag nawala ang isa ay walo ang matitira. Kung alam mo ang paliwanag, halina't basahin ang libro. Magandang bati sa inyo, mula kay Don Quixote Zulix!