Paalala: Ang mga pangyayari,pangalan, lugar o anumang pagkakahawig ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Ang kwentong ito ay bunga lamang ng malikot na pag-iisip ng manunulat. Kung di mo gusto ang iyong nababasa ay maaring lisanin mo na lamang ang pahinang ito ng walang naiiwang bakas. Maraming salamat ^_^ •~•~•~•~•~•~•~•~• Madilim ang kalangitan. Ang hangin ay nagwawala at buong kalupaan ay yumayanig. Dulot ng paglalaban ng dalawang nilalang sa kalangitan. Bawat banggaan ng kanilang mga armas ay naglalabas ng ginto at lilang liwanag. Halos parehas na silang sira ang mga kalasag. Maging ang mga katawan nila ay bugbog na din. Ngunit pareho silang pursigidong magapi ang isa't-isa. Hanggang sa dumagong-dong ang langit ng malakas. At nagliwanag,aakalain mong umaga na. Tumigil ang liwanag kasabay noon ang pag-babalik sa ayos ng nasirang mundo. Samantalang ang dalawang nilalang na naglalaban ay naglaho na parang bula.