Mula sa kakaibang mundo ng mga engkanto ay napilitang lumabas si Prinsipe Azir upang pagbigyan ang kahilingan ng ina. Hindi niya inaasahan na sa pagluwas niyang iyon ay matatagpuan niya ang babaeng pagkakautangan niya ng 'utang na loob' at dahil mapagmataas siyang klase ng prinsipe, dapat lang na makabawi siya dito. Hindi inaasahang makikisama siya sa mga tao sa kabila ng lihim niyang pagkatao. Paano kung isang araw ay maging palaka siya? Nangyari pa iyon sa mga oras na napagtanto niyang mahal niya ang babaeng tinatanawan niya ng utang na loob? Matanggap kaya nito ang buo niyang pagkatao? Mahalin pa kaya siya ng taong iyon gayong isa na siyang palaka? Bagay ba ang isang engkantong katulad niya sa mortal na babaeng itinitibok ng kanyang puso?
18 parts