(Enchanted Series #1) Ipinanganak ang isang batang babae na may taglay na kagandahang walang sinumang makapapantay, kahit si Aphrodite, ang diyosa ng pagmamahal at kagandahan. Nang malaman ito ng diyosa ay labis ang galit na kaniyang naramdaman. Bilang isang diyosa na may kakayahang kapangyarihan, isinumpa niya ang walang kamuwang muwang na bata-sa kabila ng kaakit-akit niyang ganda, walang sinumang lalaki ang iibig sa kaniya. Ngunit paano kung may isang natatanging lalaki ang nagawang ibigin siya sa kabila ng sumpa ng diyosa? Ano ang maaaring gawing hakbang ng diyosang parang naglalagablab na apoy ang galit para kay Embry? Makakaya ba ni Embry na labanan ang isang makapangyarihang nilalang para sa lalaking iniibig? Losing is easy. Winning takes bravery. Ang kaniyang pag ibig para sa lalaki ang siya nga bang magiging sandata niya upang manalo? O ang mismong pag ibig niya para sa lalaki ang magiging dahilan ng kaniyang pagkatalo? Disclaimer: This story is written in Taglish Story Genres: Romance, Fantasy & Tragic