Simula

9 3 0
                                    

Comienzo

Humming the saddest melody, breathing the suffocating air surrounding me, seeing the darkness up above the sky as if it felt my grief and endless pain.

As my tears started to pool my eyes, heavy rain drops started to fall from the above as if they are crying with me.

Tears. How many times I'd shed tears in this lifetime?

Tears.

Pain.

Grief.

Problems.

It seems like I was born to feel and carry all of those. It seems like I was born only to feel sadness.

Everyone deserves to be happy. Everyone has their own happiness. But for me, the only happiness I had is my mother. Since the day I was born, she was the only one who was there for me. She was the only one who took care of me. She was the only one who made me feel loved and contented. But now that my happiness is already gone, I feel like I'm a living dead. I am alive but dead inside.

The sound of heavy raindrops sounds like a melody in my ear. Kumakalma ako sa tuwing naririnig ko ang tunog ng pagbagsak nila.

Tinatanaw ko ang medyo madilim na labas dahil sa hindi magandang panahon.

Darkness. I feel like my life is full of darkness. Ang kadiliman na ibinigay sa akin ng diyosa ng pagmamahal at kagandahan. Ang sumpa na ibinigay niya sa akin dulot ng kaniyang matinding galit. Ngunit ano nga ba ang dahilan ng galit niya sa akin?

Nang malaman niya ang tungkol sakin, na nagtataglay ng kagandahang walang sinumang makapapantay, kahit pa ang diyosa ng kagandahan na kilala sa pangalang Aphrodite. Siya ay nagalit ng husto at bilang isang nilalang na may angking kapangyarihan, inilagay niya ako sa ilalim ng isang sumpa. Isang sumpang walang lunas at walang takas. Sa kabila ng tinataglay kong ganda, walang sinumang lalaki ang iibig sa akin.

Patuloy na tumutulo ang aking mga luha. Ang mga luhang nagniningning na parang mga kristal sa tuwing umaagos mula sa aking mga mata. Patuloy itong rumaragasa pababa sa aking pisngi na para bang pamilyar na sa kanila ang dinadaanan nila.

My pouring tears asking for ending and peace.

Kasalanan bang hilingin ang aking kalayaan mula sa sumpang ito?

Kasalanan bang hilingin na makita ang sarili ko?

Isang kasalanan nga ba ang magkaroon ng magandang mukha?

Majority of the girls wanted to have a beautiful face. Sino nga ba ang may ayaw nito? Nag-iisa lamang ako.

Ang lahat ng bagay dito sa mundo ay may kapalit. Wala ng libre dito sa mundong ginagalawan natin. Lahat ng ating hilingin ay may kaakibat, masama man o mabuti.

Lumipas na naman ang isang taon. Isang taong puno ng kagustuhang lumaya mula sa sumpa. Isang taong puno ng kahilingang makita ang sarili. Isang taong puno ng luha at pighati.

Hindi ko na napigilan ang aking labis na kalungkutan. Ipinikit ko ang aking mga mata, tumulo ang panibagong grupo ng mga luha. Nagpatuloy ako sa pag-awit ng isang malungkot na himig. Mas dinama ko ang aking awitin at hinayaan ko itong mas lumakas pa kasabay ng pakirot ng aking puso. Ito lamang ang nakapagpapagaan ng aking loob sa tuwing ako'y nalulumbay.

Idinipa ko ang aking mga kamay, dinarama ang malamig na hanging yumayakap sa aking katawan.

Oh, diwata ng kagandahan, hinihiling ko sa iyong bigyan na ito ng katapusan. Ang aking paghihirap sana'y iyong wakasan.

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at ibinaba ang mga kamay. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Tinanaw ko ang madilim paring labas. Walang tigil sa pagpatak ang ulan. Ang hindi kalakasang hangin ay humahampas sa mga kabahayan.

Sana ay narinig mo ang aking tinig, mahal na diyosa.

Lumayo ako sa bintana at tumalikod dito. Natigilan ako nang mahagip ng tingin ko ang isang malaking salamin sa loob ng aking kuwarto. Sa nangangatog na tuhod, dahan-dahan akong naglakad palapit sa salamin.

Ipinikit ko ng mariin ang aking mata nang matunton ko ang kinaroroonan ng salamin. Sa pangalawang beses, pinakawalan ko ang isang malalim na buntong hininga. Unti-unti, idinilat ko ang aking mga mata diretso ang tingin sa salamin, umaasang makikita ko na ang aking repleksiyon.

Ngunit gaya noon, bigo akong makita ang repleksiyon ko. Wala akong makitang mukha. Hindi ko makita ang aking katawan. Hindi ko makita ang aking sarili. Hindi ko parin nakikita ang sariling repleksiyon ko.

Naramdaman ko ang pag iinit ng gilid ng aking mga mata.

Magpapakilala ako.

Ako si Kalila Embry Farren, ang babaeng isinumpa ni Aphrodite kung kanilang tawagin.

Sa kabila ng aking taglay na ganda, walang sinumang lalaki ang iibig o mahuhulog ang loob sa akin. Kaakibat nito, hindi ko kailanman makikita ang aking sariling repleksiyon kahit pa sa pinakamagandang uri ng salamin.

Aphrodite's Curse (ON HOLD)Where stories live. Discover now