Sa mundong walang kasiguraduhan Nandito ako hindi sigurado kung anong kahihinatnan ng pagmamahal sayo Hindi alam kung mamahalin mo ako pabalik o pababayaan at papaasahin na mamahalin mo din Natatakot ako na baka pag nalaman mo ang damdamin ko para sayo ay masira lang ang pagkakaibigan na simula bata ay iningatan Pilit ko mang pigilin Ang nararamdaman ngunit sa tuwing ngingiti ka'y bumibigay Kaibigan sana ay mahalin mo din ako pabalik!