Malambing na paalala: Ang kwentong ito ay naglalaman ng ilang sensitibong tema, lengwahe, at karahasan na maaaring makakalabit ng matinding emosyon. Pakiusap, lagpasan na lang ang kabanatang hindi ka komportable. Pero syempre, makulit ka kaya babasahin mo pa rin. *** Bandido. Iyan ang katagang nakadikit na sa pangalan ni Adelina Guillermo mula nang gawin niyang layunin sa buhay ang gumawa ng masama. Heneral. Iyan ang bansag na kinamit ni Sofronio Avelino upang mapadali ang paghahanap ng hustisya para sa kapatid niyang pinaslang. Dalawang tao na may magkaibang layunin ang magsasama sa isang paglalakbay upang mahanap ang parehong kasagutan. Magagawa ba nilang harapin ang nakaguhit sa tadhana? *** Isinulat ni: Sho Leng
58 parts