Pumunta ng batangas ang pamilya ni shiana upang bisitahin ang kapatid ng kanyang ama at upang makapag-bakasyon nadin. Pagkatapos ng ilang buwan ay sa wakas ay nakalayo naman siya sa kanilang bahay, matagal na talaga nitong nais makapag-bakasyon ng mapahinga naman siya sa mga gawain sa realidad ng buhay, ngunit unang araw palang nila sa batangas ay napakarami na kaagad ang di niya akalaing mararanasan niya doon.