Isang maganda, mabait, at matalinong babae si Erinna. Kahit mahirap ang kanilang buhay, masaya ang pamilya nila. Bata pa lamang ay pangarap na niya ang maging isang doktor. Ang pagtulong sa pamilya at kapwa ang mahalaga para sa kaniya. Masiyado siyang naniniwala na kung para sa 'yo ang isang bagay, kahit anong mangyari ay mapapa sa iyo ito. Hanggang makilala niya ang mala anghel na lalaki na itinuturing niyang hulog ng langit para sa kaniya. Hanggang kailan niya panghahawakan ang kasabihan na, "Kung para sa'yo, anumang tagal ay makakamtan mo ito" Isasaalang alang ba niya ang sariling kaligayahan at pangarap para lamang panghawakan ito?