Isang lalaki ang handang tumulong para sa ikabubuti ng lahat. Handa niyang ibuwis ang kanyang buhay para lamang sa kapakanan ng iba. Siya ay may lakas na kayang pigilan ang lahat ng kalaban, kinalaban niya ang lahat para lamang mailigtas ang mga kabayanan at siyudad na nasakop ng Black Organization. Sa kanyang pakikipaglaban ay gamit lamang niya ang kanyang mala bakal na kamao, isang suntok lang sa kanyang mga kalaban ay namamatay na ang mga ito. Sa kanyang pakikisapalaran ay nakuha niya ang isang titulo. At sa buong Northern Continent ay tinanyagan siya bilang isang The Heavenly Fist