Chapter One

95 18 1
                                    

Nakatira at mag-isang namumuhay sa isang maliit na nayon ang binatang si Zacarias, wala na itong pamilya dahil sa itinakwil siya nito ng kanyang sariling ama. Mahina at payat na bata pa noon si Zacarias, ang sabi ng kanyang ama ay "lumayas ka! Hindi ko kailangan ang isang katulad mo na mahina't basura!."

Labag man sa kalooban ng binata na iwanan ang kanyang mga kapatid at ang kanyang mapagmahal na ina ay wala narin siyang ibang mapagpipilian. Sa paglisan ni Zacarias sa kanyang sariling pamilya ay ipinangako niya sa sarili niya na magiging malakas rin siya balang araw. At sisiguraduhin niyang sa araw na iyon ay matatanggap na siya ng kanyang ama.

Sa paglayas ni Zacarias ay napadpad siya sa nayon ng Altara. Dito siya namuhay at dito siya tinanggap ng mga taga nayon, inalagaan siya at pinakain ng mga tao dito.

Sa paglipas ng mga araw, buwan at hanggang sa lumipas ang tatlong taon.

Isa nang ganap na labing siyam na taon na binata si Zacarias, sa nakalipas na mga taon ay natutunan na niyang mamuhay ng mag-isa. May sarili na siyang bahay sa nayon ng Altara at natutunan narin niyang buhayin ang kanyang sarili na hindi umaasa sa mga taga nayon.

Malaki ang ipinagbago sa pangangatawan ni Zacarias, ang dating payat na binata ay naging maskulado na ngayon. Bakat na bakat ang mga ugat sa braso nito at maganda rin ang naging hubog sa katawan ng binatang si Zacarias.

Araw araw ay nag-eensayo si Zacarias, kahit na mahirap na pagsasanay ay ginagawa niya. Pinipilit ang sarili at katawan na magsanay araw-araw.

Masipag si Zacarias pagdating sa pagsasanay sa kanyang sarili. Nakatanim parin sa kanyang isipan ang kanyang pangako sa sarili. Ang maging malakas— hindi lang maging malakas kundi ang maging pinakamalakas na mandirigma sa buong mundo.

Mag-isa lang si Zacarias sa  kanyang maliit na bahay, namumuhay siya gamit ang mga hayop sa labas ng nayon. Minsan ay sumasama siya sa mga kalalakihan ng nayon upang mangaso sa kagubatan.

Sa katunayan niyan ay nasa loob ng kagubatan ang nayon ng Altara, maraming mga mababangis na Magical Beast ang dumadaan dito at minsan pa ay inaatake ang nayon ng Altara.

Ngunit, ang mga nagtatangkang Magical Beast na ito ay hindi nagtatagumpay na lusubin ang mga inosenteng mamamayan na nasa loob ng nayon ng Altara. Ang pinuno at ang mga kalalakihan ng nayon ay nagtutulong-tulong upang paslangin ang mga nagtatangkang mga Magical Beast. At syempre, kasama si Zacarias na tumulong upang mapatay ang mga Magical Beast.

Sa kasalukuyang lakas ngayon ni Zacarias ay kaya na niyang kalabanin ang mga mahihinang Magical Beast. Isang Fighter si Zacarias at lumalaban siya gamit ang kanyang mga kamao.

Isa siyang Level 2 Fighter at sa kasalukuyang lakas niya ay kaya na niyang patayin ang isang Level 2 Magical Beast. Siguro kahit ang Level 3 Magical Beast ay kaya niyang patayin, pero sigurado siyang mahihirapan siya dito o baka nga malagay pa sa alanganin ang kanyang buhay.

Hindi gumagamit ng kahit anong sandata si Zacarias pagdating sa labanan, purong lakas ang ginagamit niya at gamit ang kanyang mala-bakal na kamao ay napapatay niya ang kanyang mga nakalaban.

Isang magandang umaga ang sumalubong sa nayon ng Altara. Maagang nagsigising ang mga taga nayon at masiglang ginawa ang kani-kanilang gawain.

Sa loob ng nayon, sa pinakadulo ng mga nakalinyang kabahayanan. Makikita ang isang maliit na bahay, ito ang bahay ng binatang nagngangalang Zacarias. Bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa mula doon ang isang makisig at hubad barong binata.

Palaging ganito ang pormahan ng binata, palaging nakahubad ang damit pang-itaas at tanging isang maliit na short lamang ang sinusuot nito. Noon paman ay palagi ng ganito si Zacarias, kaya nakasanayan na niya ang ganitong pananamit.

Hindi siya nakakaramdam ng lamig kahit pa panahon ng tag-lamig. Bagkus ay nag-iinit siya, hindi normal ang kanyang pag-iinit dahil sobrang init ng kanyang katawan na para bang may mga baga na nakapaloob dito.

Kaya naman nakasanayan na niyang hindi magsuot ng damit pang-itaas. Hindi naman ikinakahiya ni Zacarias ang kanyang katawan oras na may makakita dito. Makisig siya at maganda ang hubog ng kanyang katawan na para bang inukit ng isang sikat na skultor.

Hindi nga maiwasan ng mga dalaga sa nayon ng Altara ang hindi mahumaling sa katawan ng binata. Minsan nga ay inaakit siya ng mga dalagang ito, pero dahil sa isang maginoo at mabait na binata si Zacarias ay magalang na tinatanggihan niya ang mga ito at siya nalang ang umiiwas.

Isa ng labing siyam na taong gulang si Zacarias, at sa kasalukuyang edad niya ngayon ay maari na siyang mag-asawa. Pero iyon ay kung gugustohin niya.

Pero para sa binata ay hindi pa siya handa. May pangarap pa siya at hindi kasama sa pangarap niya ang mag-asawa ng maaga.

Lumabas na si Zacarias habang sukbit-sukbit ang isang maliit na  bag. Nakapaloob mula doon ang isa sa mga iniingatang gamit ng binata.

"Magandang umaga sayo, Zacarias." Sa paglabas ng binata ay binati agad siya ng mga taga nayon na nasa labad narin ng kani-kanilang pamamahay.

Sumagot ang binata at binati rin ang mga ito.

Lalabas ng nayon si Zacarias, mag-isa lamang siya at mangangaso siya sa paligid ng kagubatan. Matagal na niya itong ginagawa at sa kabutihang palad ay walang nangyayaring masama sa binata.

Sa kanyang paglalakad palabas sa tarangkahan ng nayon ay nakasalubong niya si Amanado, o mas kilala sa tawag na Pinunong Amanado.

Sa nayon ng Altara. Si Pinunong Amanado ang nagsisilbing pinuno dito. Isa itong mabait at mabuting Pinuno sa nayon ng Altara, patas ito sa lahat ng mamamayan, walang pinappanigan at lahat ay pantay pantay.

"Magandang umaga, Pinunong Amanado." Magalabg na bati ni Zacarias dito.

Ngumiti ang Pinuno at binati rin si Zacarias. "Magandang umaga rin, Zacarias. Lalabas kana naman ulit?." Tanong nito.

"Opo, mangangaso lamang po ako diyan sa paligid." Alam naman ni Zacarias na hindi siya pipigilan ng kanyang pinuno, matagal na niya itong ginagawa at tiwala naman ang kanyang pinuno na makakauwi siya ng buhay.

Isang mandirigma si Zacarias at isang Level 2 Fighter, sa katunayan nga niyan ay panglima sa pinakamalakas si Zacarias sa nayon ng Altara. Siya ay maiikumpara na sa mga Elder ng nayon, sa murang edad ay kasing lakas na niya ang pang-apat na Elder na tatlumpot apat na gulang na.

Kaya naman, tiwala sa lakas si Pinunong Amanado kay Zacarias. At isa pa, palihim rin siyang humahanga sa binata, umuuwi ito galing pangangaso ng walang nakukuhang malalaking sugat. Bukod sa mga gasgas at maliliit na sugat ay wala ng ibang makikitang sugat sa katawan ng binata.

Mapanganib at punong puno ng mababangis na Magical Beast ang kagubatan, kaya sinong hindi hahanga kung ang isang Level 2 Fighter ay uuwi ng hindi gaanong napipinsala?

"Mag-iingat ka, Zacarias. Hwag kang masyadong lumayo layo dahil alam mo naman na sobrang dilekado ang kagubatan." Paalala ni Pinunong Amanado kay Zacarias.

Tumango lang ang binata at nagpaalam na. Pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas sa nayon at agad na naglibot-libot sa paligid ng kagubatan.

The Heavenly Fist [Fighter-Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon