Nabalot ng misteryo at napuno ng sikreto ang buhay ni Acci nang pasukin niya ang mundo ng mga matatalino. Matunog ang pangalang Acci Villamor sa Pulo National High School. Kilalang siga at pinakapasaway sa section D. Sikat dahil sa nakakahangang hitsura at pagiging sporty kahit pa mahina sa academics. Sa paghahangad ni Acci Villamor na mapa-ibig muli ang kababata mula sa section A, nagawa niyang nakawin ang answer key sa teacher's faculty at idamay ang sarili sa nakakahilong love triangles sa classroom nila. Hindi niya inakalang ito pala ang mag-uugnay sa kanya sa insidenteng magpapabago sa takbo ng buhay niya. Pag-ibig ang nagdala kay Acci sa kapahamakan. Pag-ibig din ba ang magliligtas sa kanya mula rito? Mahahanap kaya ni Acci ang mga kaklase niyang nawawala? Paano maibubunyag ang sikreto sa likod ng classroom rules ng section A? Date Started: April 29, 2021 12:24 A.M. Cover originally drawn by A R T I S T H I C C Copyright © 2021 by artinkerx. All Rights Reserved.