Kabanata 9

21 3 0
                                    

"GOOD morning, everyone. I am the representative of Group 1."

Nanginginig ang tuhod ni Amanda sa sobrang kaba. Pinilit niyang hindi mautal sa pagsasalita. Tensiyonadong nanonood sina Vilma at Mary sa kanya.

Plano nila ay si Mary ang magiging reporter nila. Ngunit iba ang takbo ng isip ng History teacher nilang si Mr. Rodrigo. Ito ang pumili kung sino ang magre-report mula sa bawat grupo.

Sa kasamaang palad, si Amanda ang napili ng guro sa grupo nila.

"Our task was to find an important event that has happened here in Barangay Pulo."

Lumunok si Amanda upang mawala ang bara sa lalamunan niya.

"We decided to find the most current issue in Pulo which we believe to be valuable in the coming years."

Napuno ng bulungan ang silid mula sa isang grupo.

"What's with the noise, guys? Someone is talking in front," suway ni Mr. Rodrigo.

Tumayo ang isang lalaking may katabaan at katangkaran. Nakasuot ito ng malaking eyeglasses.

Napabuntong-hininga si Vilma. Sa section nila ay may tinatawag silang 'reporting freak' at si Trek Suarez iyon.

"Yes, Mr. Suarez?"

Inayos ni Trek ang suot na salamin at puno ng confidence na tinanong si Amanda na nahahalata niyang kinakabahan. Alam niyang madali lang patumbahin ang taong walang tiwala sa sarili.

"I'm afraid I noticed something wrong in what she said, Sir."

Sinamaan ng tingin ni Mary at Vilma si Trek. Hindi naman alam ni Acci kung bakit tila naiinis ang dalawa sa kaklase nilang wala pa ngang nasasabi.

"What is it?"

Nanlamig ang mga kamay ni Amanda. Hindi pa nga siya nagsisimula ay may mali na agad siya. Napatingin siya sa kagrupo. Tanging si Elias lang ang nakatingin ng diretso sa kanya dahil nakatutok sina Acci kay Trek. Walang emosyong nakatitig sa kanya si Elias ngunit tila chini-cheer siya nito gamit ang kalmadong tingin. Isang tingin na nagpapakita na may tiwala ito sa kanya. Nagkaroon siya ng kaunting lakas ng loob dahil doon.

"Our task was to find an event that happened before but she mentioned a current issue. I'm not sure if I heard it wrong or-"

Naputol ang sasabihin niya nang magsalita si Amanda. Nagulat ang lahat dahil tila nagkaroon ito ng confidence dahil maayos na itong nakatayo at seryoso na ang mukha.

"You heard it right. We chose a recent issue."

Tila nang-iinsultong natawa si Trek. "I don't know if you understand what history means."

"Well, I do. How about you, Mr. Suarez?" Nilibot ni Amanda ang tingin. "Let me remind you, today is part of tomorrow's history. The recent issues in our barangay today will be part of the next years' history."

Trek was taken aback. Hindi siya nakahanap ng maisasagot.

"Why? Why did you choose the recent issue?" tanong ng guro nila na nakaupo sa isang bakanteng armchair. Hawak ang class record sa mga kamay. Nagustuhan niya ang ideya ng grupo ni Amanda. Nais niyang malaman kung bakit ito ang napili nilang gawin.

"Because it's still fresh and it needs more information as of the moment. The previous issues from the last months and years were already studied many times by many people. However, information of the current issues from our barangay were raw and shallow. They are in need of further research and investigation."

Namangha ang mga kaklase ni Amanda sa paliwanag niya. Kahit sina Vilma at Mary ay hindi makapaniwala sa kanya. May kiming ngiti naman si Acci habang nakikinig kay Amanda.

Classroom RulesWhere stories live. Discover now