"Huwag mo ng pangarapin ang talunin ako dahil kahit anong mangyari malabong makapantay mo ang isang tulad ko." " Hindi pa nga ako nagsisimula natatakot ka na? 'wag kang mag alala kung gagawin ko man 'yon sisiguraduhin 'kong hindi ka na makakabawi pa." They're a perfect rival, kung tutuusin, para kay Caspian isa sa pinaka mahalagang bagay sa kanya ang makakuha ng mataas na grado at mapanatili ang pagiging rank 1. Pero bigla iyong naputol ng biglang dumating si Zella, isa lamang siyang hamak na scholar ngunit mataas ang mga marka nito at halos lamangan pa ang binatang lalaki. Hindi naging maganda ang simula nila, mas lalo pa nilang kinamuhian ang isa't isa dahil mas piniling maging mag ka kompitensya pero paano na lamang kung isang araw ay mahulog na lamang ang loob ng isa sa kanila?