Nag umpisa lamang sa isang hindi pagka unawaan ang dahilan ng aking pagbabago na siyang naging bunga ng aking pagiging maunlad sa sarili. Bakit may taong sadyang pahihirapan ka, pahiyain ka, tapakan ka, kutyain ka, duruin ka at durugin ang iyong pagkatao sa harap ng maraming tao. Ito yung dahilan kung bakit biglang nagbago ang buhay ko. Hindi ko inaakala na mangyayari ito sa buhay ko, akala ko ay isang panaginip lang ang nangyari. Pero pano nagkaganito ang buhay ko. Dahila ba ito sa pagiging mabait ko o sa pagiging masipag at sa pagiging matiyaga sa pag hintay ng tamang panahon. Isang panaginip lamang ba ito? Yan ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Di ko maintindihan ang mga nangyayari sa buhay ko.
37 parts