Amora at Luciano. Iyan ang nakasulat sa puno na paulit-ulit na binabalikan ni Luciano Bernardino, iniisip na babalik ang kanyang minamahal. Pero hindi ngayon. Ito ang lugar kung saan nangangako sila sa isa't isa na kahit anong mangyari ay magiging magkaibigan sila, magkasama at mamahalin nila ang isa't isa habang buhay. Ipaglalaban nila ang pag-ibig kahit tutol ang kanilang pamilya. Pero paano kung isa sa kanila ang sumuko? At ang isa ay maiiwan upang patuloy na lumaban hanggang sa maubos. At pagkatapos ng ilang taong paghihiwalay ay magkikita pa silang muli ngunit sa kanya ay mayroon na silang sariling pamilya? Na hanggang ngayon mahal pa rin nila ang isa't isa. Paano umiibig sa tamang tao ngunit sa maling panahon? Kailan kaya magkakaroon nang pagkakataon ang dalawang pusong nagmamahalan ngunit kinakalaban ng oras at karamihan? Ilang panahon o dekada ang hihintayin makapunta lang sa piling ng minamahal? Sinimulan: ikaw-apat ng hunyo, 2022. Itutuloy: 22 ng Setyembre, 2023 CREDITS TO THE OWNER OF THE PIC