Paano kung isang araw, magising ka na lang na nasa ibang katawan ka na? At paano kung ang katawan na napunta sa iyo ay kasalungat pa ng kasarian mo? Ano kayang mararamdaman mo? Ano ang gagawin mo? Meet Natasha Dreyfus, ang babaeng pinagpapantasyahan at hinahangaan ng karamihan lalo na ng mga kalalakihan dahil sa angkin niyang kasikatan at kagandahan. Siya lang naman ang isa sa pinakatanyag na artista at modelo sa showbiz industry. Ngunit sa kabila ng kaggandahan niyang taglay ay nakakubli ang isang katangian na talaga namang malayong-malayo sa kaniyang pisikal na hitsura. Dahil sa kaniyang hindi kanais-nais na ugali, nakuha niya ang kaniyang leksiyon. Nagising na lang siya isang araw na nasa ibang katawan na, at ang mas malala pa'y nasa katawan pa siya ng isang lalaki. Paano kaya siya makababalik sa dati niyang katawan at paano niya mababawi ang kaniyang katauhan? Magtatagumpay kaya siya sa parusa at misyon niya lalo na't kung ang isa sa misyong ito ay ang magpa-ibig siya ng lalaki gayung nasa katawan siya ng parehong kasarian?
3 parts