(On going) Sa edad ni Marikit na labing anim ay normal na lamang ang nararamdaman niyang paghanga kay Matteo. Normal lang din na kiligin siya sa tuwing masisilayan niya ang gwapong mukha at magandang ngiti nito. Ngunit isang araw ay namalayan ng dalagita na tila hindi na lamang pala simpleng paghanga ang nararamdaman niya para rito. Bagkus ay parang hulog na hulog na nga siya. Para sa kanya ay hindi magandang pangyayari iyon sa isang kabataang tulad niya, hindi naman siya maganda, simple lang siya, hindi rin naman siya sexy tulad ng karaniwang gusto ng mga lalaki sa isang babae. Kaya ano ang gagawin niya? Lalo pa nga at maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi tulad niya ang tipo nito?