Isang gabi ang tuluyang babago sa takbo ng kanilang buhay. Gabing pinagsisihan ngunit hinding hindi malilimutan. Paano nila makakalimutan ang gabing naging mitsa kung bakit ngayon ay nasa harap na sila ng simbahan at nangangakong magsasama habang buhay? Paano nila malilimutan ang gabing nagliyab dahil sa hindi mapigilang paghalugpos ng init ng kanilang katawan na tumutupok sa kanilang kalamnan? Paano nila malilimutan ang gabing nagdala sa kanila sa ikapitong langit pero nagdala din ng gulat sa pagsapit ng ikapitong oras ng umaga?