LAGRIMAS DE AMOR SERIES #5 Mga ilaw na umaandap-andap. Mga parokyanong sisipol-sipol. Mga katawang pagiling-giling. At isang batang ang nais lamang ay maitawid ang bawat araw. Si Mira, labimpitung taong gulang na transnene, ay maagang namulat sa ikot ng buhay. Sa tulong ng isa niyang mamita, na kulang na lamang ay pagsamantalahan din siya, ay natuto siyang maghubad at gumiling para sa pera. Prostitusyon. Para sa iilan ay kasalanan ang ganitong uri ng trabaho. Kahirapan. Ito ang pinakarason kung bakit may mga napipilitang gawin itong trabaho. Gaano katagal pa kaya ang kaniyang hihintayin upang mabalanse ang buhay at pumanig naman ito sa kung saan niya nais mapunta; sa kung ano ang nais niyang maging; at sa kung kailan niya nais makawala? Sun'dan ang makulay na buhay ni Mira na sumasalamin sa situwasyon ng mga taong nasa pareho niyang kinalalag'yan. THIS IS A TRANSWOMAN X MAN STORY.
8 parts