Sa kabila ng pagiging successful ni Jake sa buhay, 'di pa rin siya masaya. Gusto niya makuha ang isang tao na bubuo sa kaligayahan niya. Dahil sa sobrang pagmamahal, makagagawa siya ng 'di kaaya-ayang bagay na pagsisisihan niya. Na magiging dahilan para masaktan niya ito ng sobra. Imbes kapiling na niya ito ay mawawala pa ulit. Paano kung dumating ang panahon na naging okay na ang sitwasyon? Iyong inakala mo na puro na lang kasiyahan ang mararamdaman mo. Pero kung kailan okay na ang lahat, saka naman may pangyayaring dadating na parang bagyo. Hindi mo alam kung malalagpasan mo pa ba ito. To the point na, gusto mo na lang bumigay. Dahil hindi mo kayang mabuhay pa na wala siya sa tabi mo. Kasi hindi mo alam kung may katuparan pa ba ang walang hanggang pag-ibig na matagal mo nang inaasam kasama siya.