Chapter 1

74 34 14
                                    

DISCLAIMER:

This is only a work of fiction! Ano mang pagkakahalintulad, mapatauhan man, lugar at pangyayari, ay hindi po sinasadya. Sapagkat, nagkataon lamang. Hindi rin po ang istoryang ito humihikayat na gawin ang nakapaloob. Nawa'y, inyo munang tapusin ang pagbabasa upang inyong maunawaan kung bakit ganito ang kwento.

Plagiarism is a crime! No soft copy! ©️ 2022

------------------------------------

Jake:

I believe in... ‘love at first sight’. Kasi ‘yon ang naramdaman ko since the day I first saw her. And that day also, I promised myself na magiging akin siya sa ano mang paraan. May masagasaan man akong karapatan at masaktan ang damdamin.

 
“Here is a little info about her, including a stolen photo. Please make sure that you will give me a satisfying detail about her,” utos ko sa detective.

 
Gusto ko malaman muna ang lahat-lahat ng tungkol sa kanya before I take an action. I already have plans to do it. Pag ‘di ko siya makuha sa santong dasalan, idadaan ko siya sa dahas! Bahala na kung masaktan ko siya. Ang importante ay mapunta siya sa akin.

 
Alam ko naman ang pwedeng maging kahihinatnan nang gagawin kong ito, pero handa kong tanggapin ‘yon basta mapasaakin lang ang bukod tanging babae na nagpapagulo ng isip ko at nagpapatibok ng mabilis sa aking puso.

 
“Yes, sir. I assure you that,” sagot naman nito.

 
“Okay then. Just beep me up if you’ve got something already.”

 
Tumango naman siya at nagpaalam nang aalis. Sumandal ako sa aking swivel chair at pinaikot-ikot ito habang pinaglalaruan ang company pen na hawak ko. Thinking about her. She's really beautiful. Perfectly beautiful. My dream girl.

 
Gagamitin ko lahat ng connections and power na mayroon ako. Inaalala ang pamilyang bubuuin namin. Akay-akay ang mga anak o karga-karga habang ipinapasyal sila. A happy family to be exact! Napangiti ako sa nai-imagine kong future naming dalawa kasama ang mga magiging anak namin.

 
Jhie, Jhie, Jhie... gustong-gusto na talaga kita maangkin. Hindi mo ako pinapatulog ng maayos tuwing gabi dahil lagi kang gumugulo sa aking isipan.

 
Saad ng aking isipan habang ako ay nakangiti pa. Napabalik lang ako sa kasalukuyan nang may kumatok. My secretary.

 
“Come in,” I said in an authoritative tone.

 
Pumasok naman ito and she handed me the documents I needed today. Oo nga pala, pinakuha ko sa kanya ang mga ito. I forgot because of thinking her. Damn!

“Lahat na ba ang mga ito?” I asked without giving a glance at her.

 
“Yes po Mr. Montez. Pati po ‘yong mga papeles na kailangan niyong pirmahan.” I just nodded at her while looking at every piece of paper I'm holding.

“Okay. You can leave now.”

 
“Okay po, sir,” at tumalikod na siya.

 
“Ahm... wait! Please give me a cup of tea pala. Thank you!” pahabol kong utos sa kanya.

 
Tumango lang siya at tuluyan nang lumabas ng aking office. Tinuloy ko naman ang aking naumpisahan nang trabaho. Medyo busy ako ngayon dahil sa kabi-kabilang meetings na nagaganap. Lalo pa’t may bago akong branch ng aming mall na ipinapatayo at isa ring branch ng doughnut company—which is ‘yong kilalang donut sa Asia.

 
I franchised this kasi, nakita ko kung paano kumita ito kahit na medyo may kamahalan ang presyo. Pero sulit naman sa presyo ang kalidad ng produkto. Talagang sinadya ko pa ito sa Indonesia para sa franchising.

 
Kaya nga busy ako ngayong mga nagdaang araw dahil sa pagsasaayos ng pwesto nito sa mall na pagmamay-ari ko rin dito sa Makati. At doon ko siya nakilala sa coffee shop bilang isang crew na nakapwesto sa mall na pagmamay-ari ko. Siya pa nga ang nag-serve ng kapeng in-order ko no’ng time na ‘yon.

 
Gusto ko nga sanang kausapin siya kaso, wala namang namutawi sa bibig ko ni isang salita. At nakakahiya naman din dahil ang haba pa ng pila no’ng araw na ‘yon. I smile when I remembered that day. An idea came up to my mind. Doon na lang din kaya ako mag coffee break? Napangisi ako sa naisip.

 
Sumapit ang snack break ay niligpit ko na ang mga gamit. Ang laki pa nang ngiti ko habang ginagawa ito. Hanggang sa nakalabas na lang ako ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi, maging ang kislap sa aking mga mata. Kaya tuloy nagtataka ang secretary ko. Iniisip niya siguro na may sayad na ako. Well... nakakabaliw naman yata talaga ang ma-inlove, ‘di ba?

 
Since nasa Makati lang din ang office ko, sa kabilang building lang ng mall, nakarating kaagad ako sa coffee shop na pinagtatrabahuan niya. Pagpasok ko ng store, tumingin kaagad ako sa counter. Wala siya doon.

 
Nagpalinga-linga pa ako baka sakaling nasa mga tables siya nagpupunas. Pero wala rin. Baka break time? Kaya nag-order na lang din muna ako at inisip na naka-break din ito. Pero ‘di ko maitago ang lungkot sa aking mukha kahit nang maka-order na ako at umupo sa table ay ‘di ko pa rin siya makita. Hanggang sa natapos na lang ang break time ko.

 
“Kainis naman. Bakit wala siya? Tapos na ang coffee break ko ay wala pa rin siya. Pumasok kaya siya?” kausap ko sa aking sarili.

 
Tinawag ko ‘yong kasamahan niyang lalaki na palapit sa katabing table ko para magpunas, saka ako nagtanong, “Pre, excuse me lang. May itatanong lang sana ako sa’yo.”

 
“Ano po ‘yon, sir?” magalang nitong tanong sa’kin.

 
Actually, nag-aalangan ako kung itatanong ko sa kaniya ang gusto kong itanong. Baka kasi kung ano ang isipin niya. Masyado pang personal. Ah, bahala na nga, ‘di naman niya ako kilala at bibihira lang akong magawi rito. Kaysa naman hindi ako mapalagay dahil lang sa ‘di ko nakita at nalaman kung bakit wala si Jhie ngayong araw sa coffee shop.

 
“Ahm... pumasok ba si Jhie? ‘Di ko kasi siya nakikita eh.” It sounds like I really know Jhie personally. Para hindi naman ako paghinalaan ng masama.

 
Ngumiti naman siya sa akin bago ako sinagot, “Rest day po niya ngayon sir. Kaya hindi siya pumasok.” Sandali akong natigilan.

 
“Tuwing ganito ba ang araw ng day off niya?” dagdag kong tanong sa kanya.

 
Napakunot noo naman siya habang nakatitig sa mga mata ko. Iniisip niya siguro na bakit hindi ko alam kung kilala ko naman si Jhie. Lihim akong napamura. Mukhang mali yata na dinagdagan ko pa ang tanong. Kaya nag-isip kaagad ako ng ipangtatakip at baka maghinala pa siya.

 
“I mean... oo nga pala, tuwing Friday ang day off niya. Nakalimutan ko eh, sorry. Thursday pa lang pala ngayon,” pagdadahilan ko. Ngumiti siya sa akin at mukhang nakumbinsi ko naman. Hay, salamat naman...

 
“Friday na po, sir. Tuwing Friday po ang off niya eh.”

 
Tumango naman ako rito at nagpasalamat na lang. ‘Di ko na dadagdagan pa ang sasabihin o tanong ko at baka masira pa ang sarili kong plano. Hihintayin ko na lamang ang kinuha kong imbestigador. Kaya nagpasya na lamang akong bumalik na ng office, tutal, wala naman  ang taong gusto kong makita.







Eternal LoveWhere stories live. Discover now