Ang 'di madiga ng bibig, sa papel isinusuka't banlat ang nagsisilbing boses mula sa pagiging umid. Dito nagsimulang maisipan ni Estrella Abella na umulat ng antolohiya para sa iniirog na si Aidan Damian Faraon, na kaniyang nakilala kung kailan siya'y tila pinagdamutan ng sinag at kalampi sa gitna ng karimlan. Kaniyang itinudla ang bawat bulong at itinatangis ng kaniyang dibdib. Ngunit ang inaakala bang rosas na ginawa niyang sentro ay haraya ang magiging hatid na maghahatid sa kaniya ng kagalakan sa kadulo-duluhan? O itong inaakalang liwanag ang mas magdudulot ng matinding kayurakan sa kaniyang kalooban? Bawat nobela, bawat storya, bawat piyesa'y may sari-sariling lasa't timpla. Kung ang putahe ng binuong sulatin at pantasiya, ano kaya ang magiging lasa ng kaniyang huling pahina?