Pagtitinda ng isda at gulay sa palengke, pagca-cashier sa umaga at waitress sa gabi, paga-alaga ng bata tuwing Sabado at paglalalabada tuwing Linggo--halos lahat na ng uri ng trabaho ay napasok na ni Alicia upang kumita ng pera. Maaga silang naulila sa ama kaya't siya na lamang ang katulong ng kaniyang ina sa pagbuhay sa kanilang pamilya. Dalawa lang silang magkapatid, ngunit ang isa na mas bata sa kaniya ng limang taon ay pinanganak na may sakit sa puso. Sa kaniyang problema sa pera, makikilala niya ang isang babaeng nagmula sa ibang panig ng mundo, isang babae na kamukhang kamukha niya ngunit pinalad na mabigyan ng maganda at marangyang buhay. Mayaman, minamahal ng buong kaharian, at minamahal ng isang lalaking tapat sa kaniya simula pa sa kanilang pagkabata. Sa pagpapalit ng kanilang katayuan dahil sa kagustuhan ng prinsesa at para sa pera na kailangan ni Alicia, magkakapalit din ba ang kanilang kapalaran? Magagawa rin bang mapalitan ang taong tinitibok ng puso kahit na ito'y nagsimula sa kasinungalingan?