Si Tristan isang maimpluwensiyang tao na nabubuhay lamang sa mga makamundong luho. Para sa kaniya ay pera lang ang nagpapaikot sa buhay ng isang tao. Hanggang sa napabayaan din niya ang sariling pamilya. Ngunit isang araw ay siningil na siya ng tadhana nang isang malagim na aksidente ang nangyari sa kanya. Napag-alaman niyang isa na siyang kaluluwang ligaw at bilang na ang kaniyang mga araw na pananatili sa mundo. Siya ay nakatakda nang maglakbay patungo sa kaniyang huling destinasyon. Ang kaniyang huling kahilingan sana ay maitama pa niya kaniyang mga pagkakamali at maiparating sa pamilya ang kaniyang pagsisisi. Ngunit hindi ito madali dahil ang kapalit nito ay isang misyon, ang mabuhay siya sa kabilang dimensiyon. Sa mundo na kung saan isang siglo na ang nakaraan. Upang gampanan ang tungkulin bilang nawawalang prinsepe at maging tagapagligtas ng isang pabagsak na kaharian na may kinalaman sa buhay ng kanyang pamilya sa kasalukuyan at hinaharap. Mabibigyan pa kaya ng pagkakataon si Tristan na makasama ang pamilya at maitama ang kaniyang mga pagkakamali?
4 parts