Sa buhay ng mga tao masasabi talaga natin na may malaking parte ang pag-ibig para satin. Isa ito sa nagbibigay daloy at kulay sa buhay ng nakararami, pero may iba rin namang salot ang pagpapakahulugan sa salitang "pag-ibig." Marahil nasasabi nila ito dahil sa mga nakalipas nilang karanasan, hindi humantong sa maayos na usapan kaya mas pinili nalang na palayain ang isa't isa. Mapaglaro ang tadhana. May mga taong pinagtatagpo pero hindi sa tamang oras at panahon. Mga taong naka-ukit na ang kapalaran sa isa't isa pero may kahahantungan pa rin na paniguradong susubok sa katatagan at paninindigan upang tunay na mapatunayan ang masidhing pagmamahalan. Love is not just about happy ending, love is also a reflection of so many sacrifices.
25 parts