Chapter 4 (Special Day)

4 1 0
                                    

Chapter 4: Special Day

Khainder's Point of View:

Panibagong normal na araw nanaman na kailangang harapin. Kalansing ng mga kubyertos sa kusina ang naging dahilan ng biglaang paggising ko. Mas malamig din ang temperatura ngayong araw dahil umuulan. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog dahil sa lamig pero mukang hindi ko na magagawa. Marahang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwal nito ang babaeng nagiging dahilan ng pag-unat ng aking labi.

May hawak siyang isang baso ng gatas habang suot ang malambing na ngiti sa kanyang mga labi. Tila may kakaiba sa muka niyang ngayong araw, kung pagmamasdan ito ng maigi ay kitang-kita ang hindi maitagong saya sa kanyang mga mata. Lumapit siya papunta saking kama at umupo. "Milk for my baby!" Masigla ang kanyang boses na tila hindi na pangkaraniwan sa akin dahil lagi naman siyang masigla at masiyahin kapag nakikipag-usap pero alam kong iba ang sa ngayong araw.

Biglang kumot ang aking noo nang marinig ang salitang baby mula sa kanyang bibig. Ano ba ang ipinapahiwatig niya sa salitang ito? Isa nanaman ba ito sa magpapasakit saking ulo? Kota na ko sa tanong kaya pwede bang tama na muna? Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo at magtanong. "Is there something special today? Bakit ganyan ka kung maka-ngiti? At bakit baby ang tawag mo sakin?" Teka...ngayon ko lang napagtanto na napaparami ang mga sinasabi ko kapag siya ang kausap ko?

"Ang daming tanong ha! Hindi ako na-inform na may pa question and answer portion pala rito sa kwarto mo!" Tinapik niya ko sa braso. "Well, dahil magaling naman ako sa mga Q&A na yan...i will answer your questions. Una, lahat naman ng araw espesyal para sakin kaya espesyal din ang araw na ito. Pangalawa, masamang bang ngumiti ng ganito?" Inulit niya ang ngiting ginawa niya kanina. "At pangatlo, binigyan kase kita ng gatas kaya baby ang tinawag ko sa'yo. Ok na ba? Baka may tanong ka pa?"

"W-wala na. Sinagot mo naman na lahat eh."

"Mabuti naman. Inumin mo na pala tong gatas na dala ko habang mainit pa! Dali na!" Hindi pa ako nakakasagot pero siya na mismo amg naglapit ng bunganga ng baso sa bibig ko at siya na rin mismo ang nagpa-inom nito sakin. Am i look like a baby para siya na mismo ang gumawa ng bagay na kaya ko namang gawing mag-isa??

"Ahh!" Malakas na pagdighay ko matapos lagukin ng walang patid ang isang basong gatas.

"Good job!" Pinisil niya ng pagkapino-pino ang pisngi ko na naging dahilan para mas lalo itong mamula. My skin is sensitive, kahit kahit na konting hawak o gasgas lang dito ay agad na itong nag rereact. And i hate it dahil madalas ang pananaw ng iba sa may mga sensitive skin ay maarte. But i don't need to explain my fucking self just to proof them na hindi ako maarte. Bigla ko tuloy naalala ang sobrang pamumula ng balat ko matapos akong madikitan ng mga damo sa secret place ni Vithixe nung una kaming nagkita.

I felt a sudden dizziness five minutes after i drank the milk given by Vithixe. Hindi ko napansin ang biglaang pagpikit ng aking mga mata. Tila mabigat ang ulo ko at ramdam ko ang matinding antok na para bang isang linggo akong hindi natulog. Tuluyan na nga akong sinakop ng antok.

Malabo ang paningin ko nang idilat ko ang aking mga mata. Tumingin ako sa bintana at halos madilim na ang kalangitan at patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan sa labas. Ilang oras ba akong natulog at naabutan na ako ng gabi?  May hilo pa rin akong nararamdaman pero hindi na sobrang grabe katulad kanina. Hindi ko mawari kung bakit bigla nalang akong nakaramdam ng antok at pagkahilo gayong kagigising ko lang naman kanina nang ipainom sakin ni Vithixe ang gatas na gawa niya.                                       

Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Sandali muna akong humawak sa maliit na mesang katabi ng kama ko dahil pakiramdam ko ay babagsak ako ano mang oras o kapag biglaan ang paglakad na gawin ko. Nang nasa tapat na ako ng pinto palabas sa kwarto ay pinikit ko ang aking mga mata bago ito buksan.

Three Years ExpirationWhere stories live. Discover now