"Halika na, simulan natin mula sa umpisa, May pagkakataon pa..." sinundan ko agad ito ng "Totoo nga yung sinabi mo, Tinawag kita pero hindi kita hinanap." Ang malalakas na tinig nanaririnig ko sa aking isipan ay nakisama, huminto ang bagyo, nawala ang hampas ng malalaking alon, sumikat ang pinaka ma-alab na araw, dumating ang huni ng mga ibon, nawala ang busina ng mga sasakyan, nawala ang mga nagdidikta ng malalalim na boses, umihip ang hangin na walang harang, kumawala ang mga hayop na tinago mula sa kanilang tahanan, sumipol ang sanga mula sa malayong lugar, natuyo na ang putik mula sa aking talampakan at marahil alam ko na ang sagot nya mula sa aking mga sinabi.