Bata pa lang ako ay mahilig na ako magbasa ng iba't ibang genre, like mystery, horror, romance, mythology, tragic, alamat, pabula, at iba pa. Pero ang pinakaborito kong basahin ay yung fairy tail at mga kwento na may aral na makukuha sa dulo, minsan kasi naiaaply ko ito sa totoong buhay. Minsan nga naisip ko na what if pwede itong mangyari sa totoong buhay, na ang once upon a time mo kahit maraming pagsubok sa gitna ng istorya ay mararating nila ang, and they live happily ever after. Paano nga ba masasabi na namumuhay ka na ng masaya? Kapag ba kuntento na sa buhay? Wala na bang pagsubok na dadaan pag ganun? Kapag ba masaya ka na sa piling ng taong mahal mo? Sapat na ba yun? Hi, I am Anastasia Quinn Mendez and this is my once upon a time story.