Sa loob ng napakadilim na kaisipan ay nagising ang aking kamalayan. Paunti-unti ay naigagalaw ko ang aking mga daliri, nararamdaman ko ang maligamgam na tubig na nakapaligid sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at tuluyan kong nakita ang aking paligid, isang sisidlan, ang likido na nasa aking paligid na dapat ay tumutulong na ipreserba ang aking katawan ay tila naging gulaman na.