___________ Prologue, ___________ Sofia's POV "Takbo! Ang dami nila!" "Ahh! Huwag kang lumapit sa'kin!" Mula sa labas ng LU ay rinig na rinig ko na ang mga hiyawan mula sa loob at kumpol-kumpol na mga estudyante ang nagtatakbuhan palabas. "Anong nangyayari? Ate, anong nangyayari sa loob?" hila ko sa dumaang babae sa tabi ko. "Nakakatakot na mga nilalang! Kalahating lobo kalahating tao!" nahihintakutang tugon niya sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Mabilis akong pumasok at nakipagsabayan sa mga papalabas kahit na mahirap. Kailangan kong makaakyat sa main building dahil nandoon si Lyka sa second floor sa may clinic. Nakita ko ang isang babae na nanginginig habang kinakagat ito ng halimaw na nakadagan dito. Halos masuka ako habang tinitingnan ang mga nangyayari sa paligid. Nagkalat ang mga bangkay at pinaliguan ng dugo ang paligid. "Lyka?! Lyka!" tawag ko ng makaakyat sa second floor. Nasa pinto palang ako ng mapatigil. Narinig kong may nag-uusap sa loob ng clinic. Si Ruen! Narinig ko ang boses ni Ruen kaya nabawasan ang kaba sa dibdib ko na baka kung ano na ang nangyari kay Lyka. Mabilis akong pumihit at akma palang akong papasok ng bigla akong natigilan. Pakiramdam ko nawalan ako ng hininga at para bang nag-slow motion ang lahat. S-si Ruen... Natatabunan ng mabalbong balahibo ang halahating katawan niya mula ulo hanggang beywang at kung hindi pa dahil sa polseras na nasa bisig niya na ibinigay ko sa kaniya ay hindi ko malalaman na siya nga ang nakakatakot na nilalang na iyon. Pero bakit ibang- iba ang itsura niya? Isa din ba siyang taong lobo?!