Si Thea ay isang sikat na manunulat na kinilalang Queen of Pen sa kanilang bayan ng Pente. Maraming sumusuporta sa kaniya at kailanman ay hindi niya binigo ang mga ito; siya ay palaging nananalo sa patimpalak. Pero hanggang saan aabot ang kaniyang talento? Ano nga ba ang kaya niyang gawin para mapanatili ang kaniyang titolo?