The Gangster In Me: Rhiane Arnejo Masakit para kay Rhiane ang mawalan ng kapatid kaya naman ginawa ng dalaga ang lahat upang malaman ang totoong nangyari sa bigla nitong pagkawala. Nagpasiya siya na maging guro sa paaralan kung saan natunton niya ang ipinakilalang kasintahan ni Niane na si Dustin Laurente. Dahil sa lalaki, nalaman ni Rhiane na si Niane pala ay miyembro ng Life Diggers Fighter na sumasali sa underground street fighting upang manalo ng malaking pera. Malakas ang kutob ni Rhiane na buhay si Niane kaya umalis siya sa pagtuturo at ipinasyang sumali sa underground fighting. Nagbabakasali na makikitang muli ang kapatid. Laking gulat ni Rhiane nang sa araw ng final na laban niya ay mismong si Niane ang kanyang kalaban. At huli na para itigil ang lahat dahil sa hindi na siya kilala ng kanyang kapatid.