Halos hindi maunawaan ni Vinci ang mga bagay na dapat niyang gawin. Kung talagang totoo na ba yung mga nangyayari sa kaniya ngayon. Kasabay ng pagkamit niya ng kaniyang mga pangarap ay ang pagdating ng taong magbibigay ng ibang kahulugan at direksyon sa mga nais niyang abutin sa buhay. Kaya niya bang ipaglaban ang maaring maging hantungan ng kanilang kwento kahit kapalit pa nito ay ang tanging pangarap na matagal na niyang inaasam?