DEJA VU 1

55 2 0
                                    

FEBRUARY 2023
Quezon City,Philippines

"Baby I got Deja Vu, this feeling I knew. Closer to the top title...title. It's a Deja Vu."

Paulit ulit lang pinapatugtog ni Vinci ang mga liriko ng kantang ito habang suot-suot niya ang kaniyang earpods. Gusto niyang ma-kabisa kaagad ang mga parte ng kantang naka assign sa kaniya para sa nalalapit nilang final performance.

"Kinakabahan ka ba Vinc?" biglang tanong ni Thad na naroroon sa gilid niya, hawak ang kaniyang cellphone at nanood ng kanilang dance practice.

"Uhm.." hindi din alam ni Vinci ang isasagot. " Ewan ko, siguro. Syempre."

Napangiwi lang si Thad at nagbuntong hininga. "Bahala na si Shiela. Hahahahhaha"

Natawa naman si Vinci non. "Oo nga, for sure hindi nya ako pababayaan. Malakas ako sa kaniya."

Idinaan nalang ng dalawa biro ang nararamdaman nilang kaba. At alam ni Vinci sa kaniyang sarili na dulot lamang ito ng overwhelming feeling para sa mga nangyayari ngayon sa kaniya. Lalo pa at heto na siya at malapit na niyang marating ang mga inaasam niya lang dati.

Napasinghap siya.

Naghahalo ang saya, kaba, excitement at pasasalamat sa puso niya. Inaamin ni Vinci na malakas ang pakiramdam niya na malaki ang chance na mapasok siya sa final seven. Alam niya na hinding hindi siya pababayaan ng kaniyang mga Invincibles.

Habang sa kalagitnaan ng pag uusap ay nay kumatok sa pinto ng kuwarto.

"Boys,oras na para matulog. Maaga tayo bukas sa Caloocan para sa rehearsals." ani ng kanilang CC na si ate Andi.

Ngiti ang iginanti ni Vinci sakanya.
"Matutulog na po."

"Una nako, Vinc." tinapik siya ni Thad sa balikat saka lumabas na ito ng kwarto niya.

Dahil nga ay rank one si Vinci, mag isa lamang siya sa kaniyang kwarto ngayon. Nakakapanibago man na wala siyang kasama sa loob ng kwarto matulog,ay mas convenient din ito para sakaniya dahil mas makakapagpahinga siya ng maayos.

Ngunit bago paman siya matulog ay nagdesisyon siyang maligo muna habang pinapatugtog pa din ang kantang Deja Vu sa kanyang cellphone.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Vinci sa banyo ng kanyang kwarto at laking gulat niya ng nakaupo na si Reyster sa sofa.

"Ayyy poo-" muntikan pang magmura si Vinci sa gulat. "Anong-- ba't nandito ka?"

"Bawal ba?" malumanay na sagot ni Reyster na nagkukurap pa ng mga mata. Animo'y bata na nagmamakaawa.

"Hindi naman syempre. Nagulat lang ako no." sagot ni Vinci saka ipinagpatuloy ang pagpapatuyo ng buhok. "Di ka ba makatulog dun sa kwarto niyo? Andon naman si Marcus ah. Saka si Kyler ."

Inayos na muna ni Vinci ang higaan niya habang naka talikod kay Reyster. Hindi naman siya nahihiya dito, matagal na din naman silang close sa isa't isa dahil matagal silang nagsama sa iisang quarters.

"Ano ba pakay mo Reyster. Ayaw mo pa ba magpahinga? Maaga daw tayo bukas sabi ni Ate Andi." usal ni Vinci saka dahan dahang naupo sa kama niya at iginiya ang titig kay Reyster.

Napangiti lamang ito ng masilayan si Reyster na naka baluktot sa maliit na sofa at nakapikit na. Parang pusang nakahiga na walang malay.

Tumayo siya at tinitigan ang maamong mukha nito.

"Psh. Kahit saan talaga nahiga, tulog"nakangiting usal nito.

"Di pa ako tulog. Nakapikit lang." halos mawala ng ganon ka bilis ang mga ngiti sa mukha ni Vinci. Nagulat siya ng unti unting bumukas ang parang inaantok ng mata ni Reyster.

YOUR DEJA VUWhere stories live. Discover now