BOYSLOVE/ BL ....... Nakatatakot na mga paniniwala ang bumabalot sa Isla ng Kataw. Mga paniniwala ng katakot-takot na pangyayari sa mga mababangis na halimaw sa malalim at malawak na karagatan. Myths of brave sailors lured to their death by bloodthirsty sea monsters. Mga kuwento ng katatakotan na bumabalot sa puso ng mga taong naniniwala at naninirahan sa munting Isla na ito. Ngunit, isang binata ang hindi naniniwala rito. Bagkus ay nag-uumapaw sa puso nito ang pagnanais na mapalapit sa awitin ng malawak na tubig. Kavin Guevara was never scared of them, kasalungat nito ang katotohanan na paghanga at pagkabighani ang nadarama niya sa malawak na tubig na'to. However... Isang bagay ang matatagpuan niya. Ang kasagotan sa kung bakit gan'un na lamang ang pagnanais niyang mapalapit sa kung anong mahika ang meron sa Isla ng Kataw. There is someone lurking in the waters, waiting just for him. Tunghayan natin ang kuwento ni Kavin Guevara sa mahiwagang Islang ito. ANG TAWAG NG KARAGATAN